Bakit sa Loob? (Why Inside?)

Ang dilim ng langit. Ang tahimik ng paligid. Kalahating minuto ay bagong taon na. Hay oras! ang bilis mong lumipas!

Natutulog ako noong mga oras na iyon. Mahimbing ang aking pagtulog. Naghihilik pa nga daw ako. Apat na unan ang aking niyayapos. Isa sa ulunan, dalawa sa tagiliran at isa sa paanan. Para akong nasa hotel, iyon nga lang walang airconditioner. Ngunit malamig pa rin, kasing lamig ng pandesal na hindi ko nakain kaninang umaga.

Isa pa, ayaw ko rin na ako ay ginigising kapag mahimbing akong natutulog. Hindi naman sa pambabastos iyon, ngunit para sa akin, wala ng mas masakit pa sa pagkaudlot ng magandang panaginip. Hindi ka ba magagalit kapag binurara ang iyong gawa? Ganoon din ang nararamdaman ko kapag natutulog ako… nang mahimbing at walang pasok.

“Joen, tawag ka ni…”, sigaw ng aking ina.

“Sino ‘yan nay?”

“Si… ”

“Ah. Pasabi po iyan na ako”

Kinalabit ako ng aking ina at dali-dali naman akong nagising.Pinsan ko pala yung nasa pinto. Niyayaya niya akong lumabas.

“Tara doon muna tao sa labas, manood tayo ng mga nagpapaputok.”

“Sige tara, tutal nakakatamad naman sa bahay. Haha”, sambit ko habang may muta pa ako sa aking mga mata.

Alas dose na. Nagsisikalampagan na ang mga kaldero at kawali. Ang ingay na ng paligid. Dumami na rin ang tao sa kalsada. Ang harurot ng mga sasakyan ay kitang kita na tila ba ay mga nagkakarerahang mga kotse. Torotot, gitara amplifiers. Ilang bagay na aking nakikita sa kapit-bahay at kabilang kalsada. Masayang mga mukha na walang katumbas ang sayang nadarama.Mga taong nakasuot ng pula ang mga nagtatalunan sa tuwa.

“Joen, kaunti ng paputok ngayon, ano?”

“Oo nga, dapat pala nagdala ako ng paputok galing Bulacan.”

“Haha. Bawal naman iyon eh. Pero pwede na rin kung gusto mo talaga.”

“Joke lang haha”

Naiingit kami sa mga nagpapaputok. Noong nakaraang taon kasi, nakapagpaputok naman ako kahit limang kaha lang ng piccolo. Nakapag luces din. Nakapagsindi rin akong fountain. Pero takot ang tita ko na kami’y maputukan o madisgrasya kaya siguro minabuti niyang iwasan na ang pagbili ng mga paputok.

Hanggang picture taking lang kami. Bawat klik ay siguradong puno ng mga ngiting sayad hanggang lupa. Kasama ang aking mga pinsan at ibang kamag-anak, masasabi kong maayos na rin itong gabing nagdaan. Masarap naman kasing kumain kapag kasabay mo ang mga mahal mo sa buhay. Nakakagaan ng loob kaya panandaliang nawala sa isip ko ang inggit sa mga nagpapaputok.

Inaantok na ako ng mga oras na iyon dahil ala una na. Dinadalaw na ako ng antok. Binabatukan na ako ng hangin upang maghikab, hudyat na kailangan ko nang matulog. Sayang talaga hindi ako nakapagpaputok pero naisip ko na swerte ako kasi may kamay pa akong gagamitin sa susunod na ako pa ay magpapaputok.

“Ano Joen, alis na ako. Ikaw?”

“Ge sabay na tayo”

“Wala pa lang tao sa bahay.Hindi muna siguro ko matutulog.”

“Sige.”

Sandaling katahimikan ang bumasag sa maingay na gabi. Naglaho na lang ako ng parang bula sa kanyang paningin.Unti-unti na ring naglalaho ang mga makukulay na ilaw. Wala na ring tunog sa kalangitan. Tanging kapayapaan na lang at kaunting mga nagvivideoke.Pinatay ko na rin ang ilaw sa harapan ng pinto namin. Pinatay na rin niya ang sa kanila. Matutulog na ako.

Sa kabilang bahay, maririnig pa rin ang hiningang naghahabol. Pawis na pawis ang kanyang mga palad na animo’y sabik na sabik sa isang bagay na hindi niya nagawa kanina.Pag bukas ng pinto, bumungad ang bakanteng sala,isang mesa na puno ng pagkain at bukas na tv.

“Bakit bukas ang tv”, laking gulat niya ngunit pinatay niya kaagad.

Sa kanan ng sala ay mayroong isang kwarto. Malaki ang kama nito na kasya sa apat na tao. May airconditioner rin na lalong makakapagpapresko ng kanyang katawang medyo naliligo sa pawis. Kumuha siya ng babasahin sa ilalim ng maliit na mesa . Kadalasan ay mga thriller books ang kanyang binabasa dahil fan siya nito. Ngunit ibang thriller ang mararanasan niya ngayon. Hindi na kasi niya matiis.

Siya naman ang magpapaputok.
tok

Ngunit bakit kaya sa loob pa? Pwede namang sa labas, hindi ba?

Leave a comment