Archive for January, 2015

Fallen 44

Posted: January 31, 2015 in POETRY
Tags: , , , ,
Comrades carrying their comrades' caskets

Comrades carrying their comrades’ caskets

hard concrete ground breaks,nation mourns in chorus

feet of comrades take slow, soulful steps into an

eternal sanctuary weaved for the brave souls

to rest in opal solitude full of white roses

the day when lives drifted helplessly

in battlefield,in front of bloodthirsty

monsters,behind the steel guns

wrapped in cloth of cruelty

quilted by selfish actions

tinted by black deeds

greed, and dying

peace for them

but not for

us.

relentless

storm fires rain

incessant meteors

came from 3 directions

lightning exchange of  quick,

tiny trains in action, heartlessly

maiming the camouflage trees into

a mass butchery, brown branches start

to lose color, barks rust in a fading motion

except for high-spirited hearts inside the leaves

lately, forty-four leaves also collapse during the fall

humbly join hands,golden sunbeams head to God above.

sheep with same wool bath in ephemeral, spiral tears

solemn memories of the fallen rise fresh in roaring

cascades,where waters are blue and new like

a sparkling sapphire frowning in the jade

crystals that once shone on their faces

a filament of blue,red, yellow and

white, myriad of true golds

now resting in stellar

ships, carried by

fellow friends

down to a

velvet

isle.

Ngiti (Smile)

Posted: January 30, 2015 in THOUGHTS
Tags: , ,

smilee

 

Smile best describes my mood today. People on streets are smiling. Children are smiling. Even my pocket is smiling( if you know what I mean lol). The mosses in the distant rocks are also smiling. The trees also smile as they dance to the beat of the wind. Even the sun hung from above is smiling over the people below it. At night, when I’m about to sleep, moon also smiles upon me, leaving glitters of moonbeams on my face. There is no constellation tonight but instead a constellation of stars forming a wide grin. Smile is everywhere. Smile is widespread. Smile is contagious.Smile is free so smile.

Smile because you’re beautiful in your own way. 🙂 🙂 🙂

Be a Rainbow

Posted: January 29, 2015 in THOUGHTS
Tags: , , ,

sugarrrrrx

May mga oras sa buhay natin na kailangan ng kapwa natin ng tulong. Sa bawat pagpatak ng luha sa mga problemang nararanasan, kailangan niya ng balikat na sasandalan. Sana ay maging ilaw tayo sa mga taong dumadaan sa madilim na landas ng buhay. Sa pamamagitan nito, mas liliwanag ang kanilang pag-asang mabuhay nang hindi nag-iisa ngunit kasama ang tunay at tapat na kaibigan katulad mo na nakakabasa nito. 🙂

Mga Ginto sa Aking Pitaka

Posted: January 28, 2015 in HOME, MY EXPERIENCE
Tags: , ,

barya

“It’s hard to find true friends in a sea of diamonds” -Chase Mckenzie.

Pauwi na ako sa aking tahanan nang malaman kong wala na palang barya ang aking pitaka. Gabi na at lalo akong nanlumo sa pagkadismaya dahil nagastos ko na ang mga barya sa loob nito. Nasanay kasi ako na laging may pisong barya lagi sa aking bulsa o sa aking kalupi. Bukod pa doon, mas nakakapag-ipon ako ng barya kaysa sa papel na pera.Hindi ko alam kung bakit,basta ganoon na lang ako mag-ipon.

Sa gabi rin na ito kung saan ako lang mag-isa ang naglalakad, may naalala kong bagay,Naalala ko ang aking matalik na kaibigan.Naalala ko yung mga tawanan namin habang nakatingin ako sa buwan. Natatandaan ko pa noong mga panahong estranghero pa kami sa isa’t-isa. Nasa pangalawang baitang pa lang ako nang makilala ko siya. Dahil bagong lipat lang kami sa lugar na iyon, naninibago pa ako lalo’t napakamahiyain ko pa ng mga araw na iyon. Lumabas ako saglit sa tabing kalsada at marami rin akong nakitang mga batang naglalaro. Nahihiya akong lumapit dahil bukod sa hindi ko kakilala sila, baka hindi rin ako nila isali sa laro nila.

“Sali naman ako”, banggit ng aking batang tinig.

Tumingin sila sa akin. Nagtinginan sa isa’t-isa. Nag-usap nang saglit. Tinanong pa nga ang pangalan ko at sa huli, sinali rin nila ako.

Makaraan ng ilang minutong paglalaro ng holen, nakilala ko rin sila. Magkakapatid pala sila. Simula noong makilala ko sila, sumaya na ang aking mundo. Hindi na ako mag-isa at may kasama na ako lagi. At dahil nga doon, nakilala ko ang isang kaibigang hindi ko inaasahang dadating. Simple lang siya. Hindi siya katangkaran ngunit siya ay masayahin. Sa musmos niyang isip, makikita mo na kaagad ang ngiting bumabatak ng kanyang pagkatao. At ang araw na iyon ang naging araw kung saan lagi na kaming magkasama.

Lumipas ang mga taon. Nasa ika-anim na siyang baitang at ako naman ay nasa ikalima. Masaya kami laging dalawa. Kahit dalawa lang kami ay kaya namang gawing maingay ang buong paligid. Mula sa kwentuhang nakakatakot hanggang sa kalokohan, siya lagi ang aking kasama. Sa taguan, sa patintero at sa tumbang preso, siya lagi ang aking kakampi. Kung naasan ang isa, nandoon din ang isa. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya kaya kung minsan akong magawi sa kanilang tahanan, ang init ng pagsalubong ng kanyang ina sa akin at dahil nga dito, doon pa ako kumakain minsan o nagpapahinga. Nakakahiya sa bahagi ko ngunit kailangan kong ipagpasalamat ang lahat.

Nagtapos na kami ng elementaryang dalawa at kami pa rin ang magkasama sa paglalakad sa ilalim ng sikat ng araw. Mistulan na kaming mga negro sa itim noong mga panahon na iyon. Walang payong- payong sa kasagsagan ng kainitan at kahit ganoon masaya pa rin kami. Sa paglalaro ng basketbol o sa pagkokompyuter, lagi ko siyang kasama. Kahit sa away nagtutulungan din kaming dalawa. Kapag nabubugbog ang isa, reresbak din ang isa. Sa paggigitara kung saan siya ang nagturo sa akin, ako lagi ang bassist at siya ang lead.Parang kuya ang turing ko sa kanya. Parang teletubbies XD.Andiyan siya palagi kapag ako ay may problema.Kapag may problema sa pag-ibig at natotorpe ako sa isang babae, nanghihingi ako ng payo sa kanya. Ganoon din naman ako sa kanya. Handa ako laging makinig sa kanyang mga sasabihin.Sa bawat kalungkutang aking dinaranas, nandiyan pala ang kanyang balikat na aking sandalan. Sa mga panahong walang-wala na ako at gusto ko nang sumuko, nandiyan siya palagi sa akin.

Iyon ang mga panahong kay sarap balikan. Mga highschool days na kay sayang sariwain kasama siya.

Ngayong nasa kolehiyo na kami, malayo na kami sa isa’t-isa. Hanggang text at chat na lang kami. Kung minsan, skype na lang ang nagiging paraan upang kami ay mag-usap. At tuwing bakasyon, asahan ang walang humpay na batukan at tawanan kasama siya at ang kanyang mga kapatid. Ito ang mga taong una kong nakilala sa bagong lugar na aking kinagisnan. At dahil sa kanila, nagkaroon ako ng matalik na kaibigang nandiyan palagi para sa akin. Kaibigang nasa tabi ko sa loob ng labing-isang taon.Nagkaroon din ako ng mga kaibigang hinding-hindi ako iiwan kahit sa ibang lugar na ako naninirahan. Sa saya at luhang ating pinagsaluhan, kumpleto lagi ang barkada kasama ang matalik kong kaibigan.

Sa oras na ito, nakahiga na ako sa aking kama at binabalik-balikan pa rin ang mga pangyayaring hinding-hindi na mabubura sa aking puso’t isipan. Kay sarap magkaroon ng mga taong kagaya nila na dumating sa buhay ko nang hindi sinasadya. Makakatulog na ako nang mahimbing ng may ngiti sa labi pagkatapos ng isang nakakapagod na araw.

Oo nga pala, wala na namang barya ang aking kalupi. Bukas sisiguraduhin kong magtitira na ako ng ilang barya sa aking bulsa upang sa gayon ay maalala ko sila lagi.Sana ayos lang sila doon.

Pinikit ko na ang aking mga mata pagkatapos ng minutong nagdaan habang humihiling ng pagkakataong makasama ulit sila.

Basahin mo ito. Isang pangungusap, tama?

Basahin mo pa? May napansin ka?

Nakita mo na? O malabo pa?

Balikan mo ulit. Una hanggang huli.

Ipikit ang mata. Imulat ang isip

Isarado ang tainga. Itapon ang diksyunaryo.

Nagawa mo na? May nagbago ba?

Kung wala, wala. Kung meron, magpatuloy.

Nagtataka ka na. Naguguluhan ka ba?

Pero tandaan mo. Bawal ang diksyunaryo.

Tatanungin ulit kita. Handa ka na?

Nakita mo na? O hindi pa?

Gawin mo ulit. Gawin ang pagpikit.

Imulat mo ulit.Imulat ang isip.

Gawin ang pagsarado. Itapon ang libro.

Sabik ka ba? O nasasabik na?

Iyan na siila. Papalapit na sila.

Dama mo ba? O hindi pa?

Nasa tabi mo. Nakita mo na?

Isa pa ha. Tawag ka nila.

Tingin sa likod.Sulyap sa gilid.

Lingon sa taas. Sige tingala pa.

Wala na sila. Lumabas na pala.

Hindi sa pinto. Hindi sa bintana.

Saan kaya lumabas? Wala sa dalawa.

Ngunit, ano sila? Tao o bagay?

Kung tao, sino? Kung bagay, ano?

Gulo hindi ba? Ngunit tandaan mo.

Kapag nakita sila. Masasabi mo na.

Hindi sila tao. Hindi rin bagay.

Pero sila ay……

Wag kang susuko. Kaya mo yan.

Ulitin mo lang. Ulitin mo lang.

Basahin mo ulit. Isaisip ang salita.

Lamlamin ang hibla. Lasapin ang lasa.

Isapuso mo ito. Ang lahat lahat.

Dahil misteryoso ito. Puno ng salamangka.

Hindi madaling makita. Mailap din sila

Subukan mong hulihin. Igapos mo sila..

Dahil nanunuklaw sila. Wag kang papahuli.

Magiging alipin ka.Maging alerto lagi.

Lumayo na sila. Paano na ngayon?

Paano mo malalaman? Kung tao ba?

Bagay ba siya? Nakakalito hindi ba?

Umiikot lang tayo. Sa isang paksa.

Sa isang kathang-isip. Isa itong laro.

Tao o bagay? Ano nga ba?

Sinasabi ko na. Wala sa kanila.

Wala sa dalawa. Nasan’ nga ba?

At bakit ganito. Bakit nga ba?

                                                                                Isa, dalawa tatlo.  Ano ba ito?

          Iiwan ko na.Iiwanan na sila.

Ang mga bagay. Ang mga obra.

                    Obra ng imahinasyon.

 Obra ng katamaran.

Sumunod sa dalawa.Himayin ito isa-isa.

                                                                              Nakita mo na? Huminto ka saglit.

     Huli ang apat. Mas maagap sila.

Ngayon, ayos na? Maliwanag na ba?

                                                                                                                                                                                             Isa pa ulit.

    Isang basa pa.

Isang pasada pa.

                                                                                                                                                                                         Nakita mo na?

                Iyan ako ngayon.

Namamalimos ng ekspresyon.

                                                                                                                                                                       Sinaniban ng katamaran.

                Kaya tuloy ganyan.

Balik ulit tayo.

                                                                                                                                                                                           Nakita mo na?

Ang gamit ko

Hanggang sa huli.

                                          Ang aking gabay.

Ang mga espiritu.

                                                                                          Kung bakit ganito.

Ang estrangherong bilang.

                                                                                      Ang nakakahilong baitang.

Spoiled Milk

Posted: January 26, 2015 in POETRY
Tags: , , ,

 

milkk

Spoiled milk photo from imgarcade.com

Distasteful storm brews

Whipping curdled tornadoes

Drastic flavor jumps

 

PAANO KA NAG-AARIVE SA TOPIC NA ‘YAN?

Weird yung topic na ito para sa akin at hindi sa akin ito nanggaling. Yun lang ang masasabi ko sa kaklase kong nagbigay ng topic na ito XD

 

Dilim

Posted: January 25, 2015 in POETRY
Tags: , ,

Hindi malaman kung saan patungo

Tutuloy pa ba o susuko?

Hindi malaman kung hanggang saan

Matatapos na ba o walang hangganan?

 

Nakikita ko ngunit bakit ganito?

Ang hirap pa ring kapain

Nararamdaman ko na ang lagusang pinto

Na malapit ngunit malayo pa rin

 

Kinain mo na ang liwanag

Na ilaw ko sa aking paglakad

Kinain mo na ang pag-asa

Na lakas ko sa aking pagsikad

 

Kumulubot ang tuwid na daan

Sa lupang aking tinatapakan

Nasilat ako, nadapa sa kantong malalim

Habang nilalamon ng dilim.

 

 

 

 

Speaking to Left

Posted: January 24, 2015 in ACROSTIC, POETRY
Tags: , , , , ,
angel

The girl living in dimness as described in the poem.

Hello there, angel in dark veil

Oh!, what did this day teach to you?

Where did you hide at times of dimness?

At times, when you’re empty inside.

Rose, that’s what you’re holding

Earth bent sideways, calling your name

Yet you covered your ears with pebbles

On just a time when sun had sunk

Uttering unspoken words left behind.

PALIWANAG:

Petsa ng Pagkakasulat : Disyembre 2014

Ang tulang ito ay halimbawa ng acrostic poem, kung saan ay may mabubuong salita sa kahit anong bahagi nito; mapagilid o sa bandang gitna. Simple lang ang nais kong iparating sa tulang ito. Tungkol ito sa isang lalaking sinusuyo ang babaeng minahal niya dati. Sa kabilang dako, ang babae naman ay nananatiling malungkot dahil iniwan siya ng lalaking minahal niya dito.

Where did you hide at times of dimness?

At times, when you’re empty inside.

Sa linyang ito,inilalarawan dito kung bakit nagtatago ang babae sa dilim o kalungkutang bumabalot sa kanya. Marahil na rin ay dahil sa pagkatigang ng kanyang nararamdaman sa lalaking dati niyang minahal.

Rose, that’s what you’re holding

Earth bent sideways, calling your name

Yet you covered your ears with pebbles

On just a time when sun had sunk

Uttering unspoken words left behind.

Dito naman, ipinapakita na kinakausap ng lalaki ang babaeng iniwan niya. May hawak itong rosas na sumisimbolo sa sariwang pagmamahal ng lalaki dati ngunit ngayon ay naudlot na nang tuluyan. Sa pangalawang linya hanggang sa ikatlo, tinatawag naman ng lalaki ang babae, ngunit sa halip na pansinin ay tinalikuran siya ng babae. Ang huling dalawang linya naman ay tumatalakay sa kawalan ng pag-asa ng lalaki na makasama sa isa pang pagkakataon ang babaeng minamahal dahil may mga gusto pa siyang sabihin dito na hindi niya nasabi noong sila ay masaya pa sa piling ng isa’t -isa.

BAKIT ‘SPEAKING TO LEFT’ ANG PAMAGAT NITO?

Basahin niyo sa inyong kaliwa mula sa itaas-pababa yung mga letra sa gilid. Malalaman niyo kung bakit isinulat ng lalaki ang tulang ito para sa babaeng minahal niya dati.

Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Mga mata niya’y tila naliligaw ng landas.

Tinatanong ko siya sa isang bagay na gusto kong malaman. Umuurong na nga ang kanyang dila sa bawat bitaw niya ng salita. Nagtatanong lang naman ako ngunit bakit parang may tinatago siya?

“Tumingin ka sa aking mga mata at sagutin ang aking katanungan. Totoo ba na …..?”

Sumagot siya at pinaanod sa hangin ang lahat ng salitang kanyang itinapon sa aking mukha. Ngunit parang may bagay na nagtatago sa anino ng bawat salita. Hindi ko mawari kung anino nga ba ito o liwanag. Makikinig na lang ako sa kanya. Malamig ang kanyang mga sinabi dahil tagusan ang mga ito sa aking buto. Nang sinimulan mong ibuka ang iyong bibig, nag-aapoy ang aking mga mata na makita ang susi upang buksan ang saradong lagusan sa bawat letrang iyong nililikha. Alam niya siguro yung pakiramdam na alam ko na ang mga sinasabi niya bago pa niya ito sabihin. Sa bawat kumpas ng kanyang dila at sa bawat pitik ng kanyang mga mata, may palatandaan na ko na nangyari na ito. De javu ba kung tawagin.

Ang ngiting nagnanakaw ng aking pagmamasid at ang ordinaryong kilos niyang hindi mapakali. Parang alam ko na ito. Tinanong ko siya nang paulit-ulit. Hindi ko iniinda kung mapaos ako sa katatanong dahil ang mahalaga ay mapaamin ko siya.Hinawakan ko pa ang balikat niya at tinanong ko ulit siya. Ang tanging sagot lang niya ay hindi.

Sinabihan ko siyang sinungaling.Napakasinungaling niya kung sasabihin niyang ayos lang siya samantalang nakita ko siyang umiiyak sa isang sulok noong isang linggo. “Bakit ka ganyan?”, tanong ko sa kanya. Tumungo lang siya at hindi umimik. Alam niya rin sigurong nagsisinungaling ako. Nagsinungaling akong wala akong pake sa kanya ngunit sa katunayan ay nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak.Hindi ko siya matiis.Sa ilalim ng buwan, lumapit siya sa akin. Sumabay ang paglamig ng hangin sa paglamig ko sa kanya. Sa sandaling minutong lumipas, uminit ang paligid sa yakap niya sa akin.

Sabay sabi niyang ” Walang nagawa ang pagtanggi ko na hindi na kita mahal.Lalabas at lalabas din ang katotohanan dahil alam na natin ang isa’t -isa.”

Binalot ko sa kanya ang aking kanang braso habang nakahawak naman sa kanyang ulo ang kaliwa at pinagtapat ko sa kanya na ” Kahit anong pagtanggi ang gawin ko, hindi ko rin kayang iwan ka. Mas masasaktan lang pala ako kung lolokohin ko ang sarili ko.”

Fieldtrip o Bus Joy Ride?

Posted: January 22, 2015 in MY EXPERIENCE, SCHOOL
Tags: , , ,

Parang pang karaniwan lang ang araw na ito para sa akin. Bitbit ko na naman ang kahel na bag na may halong itim sa aking likuran. Hindi na ito puno ng mga damit gaya ng bag ko noong nakaraang engcamp ngunit pagkain naman ang mga nasa loob nito. Kawawang hangin. Walang kapangyarihang gumalaw sa loob ng bag sapagkat nasasakop ng mga pagkain ang lahat ng espasyong nasa loob.

Ngunit,isang tipikal na araw lang ito para sa akin.

Katulad ng aking inaaasahan, medyo huli ang alis ng bus namin. “Magiging tao na ulit kami”, bulong ng iba habang papuntang Maynila.

Andiyan na naman ang mga gusaling nagpapataasan, ang maitim na usok ng siyudad at ang nakakainis na traffic jam.  Habang kami ay naglalakbay, ang dami kong napapansin habang ako ay nagmamasid; mga matandang nanlilimos, mga nagtitinda sa daan at mga pangkaraniwang taong naglalakad. Kung sana natutukan lang ng gobyerno nang maayos ang buhay ng mga taong ito, kaunti lang siguro ang manlilimos ngayon at mas lalong uunlad ang ekonomiya ng bansa. Naalimpungatan ako nang saglit at naisip na hindi ito ang oras para mag-isip ng mga bagay na masyadong malalim. Ang kailangan ko lang ay mag-enjoy sa fieldtrip na ito. Ngunit mag-eenjoy nga ba ako gaya ng isang taon?

Kaunting oras lang ay nakarating na kami sa unang destinasyon; ang Bacavalley na nasa San Pedro, Laguna. Noong una, napakainteresado ko sa pupuntahan na ito. “Wow, powerplant”, iyan ang una kong impresyon. Sa totoo lang, gusto ko lagi ang makapunta sa mga powerplant, dahil marami akong tanong sa isipan na hindi pa nasasagot. Ang mga higanteng makina, mga nagkikiskisang bakal at mga tubong nagtatayugan ay ilan lamang sa mga bagay na makikita sa isang planta.Bago namin malibot ang planta, nagsagawa muna ng mabilisang pag-iinform sa amin ang isang safety engineer ng Bacavalley. Wala pa sa kalahati ay inantok na ako dahil binabasa lang naman niya ang nakalatag sa tela na iniilawan lamang ng isang projector. Siguro ay dahil alam niyang mas mauunawaan namin ang mga prosesong kanyang binanggit kapag nakita na naman nang malapitan ang mga makina. Sa oras na ito, sinamahan na niya kami sa mga makina na ginagamit sa proseso ng pagkokonbert ng methane sa elektrisidad. Ang galing hindi ba? May silbi pala ang mga basura at dumi ng hayop sa paggawa ng elektrisidad. Akala ko ipapakita sa amin yung mismong mga proseso para lubos na maunawaaan kung paano nangyayari ang ganoong conversion process. Ipinakita lang pala ang mga kagamitan at kung ano ang nagagawa ng mga ito, na para sa akin ay nakakadismaya sa bahagi ko dahil gusto ko pa naman talagang makita kung paano kinokolekta ang methane mula sa landfill. Ganoon talaga minsan, may mga bagay kang gustong makita ngunit hanggang imahinasyon na lang ang mga iyon.

Umusad ulit kami. Kung gaano katahimik sa unang pinuntahan ay siya namang ikinaingay namin sa loob ng bus. Mas masaya sa loob ng bus kumpara sa unang destinasyon. Ang mga tinig na mababa at mataas ay naghahalo sa hangin na parang obra maestra, lalo’t may pangyayari pa kung saan ang lahat sa amin ay nakikisabay sa mga kanta sa telebisyon. Parang may party sa loob; hagis ng pagkain dito, hagis doon, at mga kamay na gutom na gutom sa biyaya. Nakakaliti rin sa tainga ang mga halakhak sa likod at mga nakababasag-salaming tawa sa bandang unahan. Hindi bale, kakain na kami ng pang-tanghalian ngayon.

Bago ito ha.Ngayon lang ako nakapunta dito.”, bulong ko sa aking sarili.

Mas lalo akong ginanahan nang nabasa kong ‘eat all you can’ ito. Hahaha!

At dahil may sumusuntok na sa aking tiyan, papaawat pa ba ako? At dahil minsan lang naman ito, papakawalan ko pa ba? XD

Upang masuklian ang aking pagkadismaya kanina, kinuha ko na ang lahat ng pagkaing nang-aakit sa akin. Uupo na sana ako nang nabasa ko na bawal pala magtira. Buti na lang at naubos ko ang aking kinuha at kung hindi baka magmulta pa ako.

Isang oras lang ata ang lumipas at umalis na rin kami sa Naks! Sarap resto. Tirik na tirik na naman ang araw at hudyat ito ng mahimbing na tulog, para sa iba ngunit para sa akin, ito ay hudyat ng paglalabas ng papel at lapis. Magsusulat na lang ako kaysa matulog. Habang sabay-sabay sa koro ang musika ng mga naghihilik at natutulog, hinawi ko nang katamtaman ang kurtina upang makasilay sa labas, kahit kaunti lang. Nakasulat ako ng isang tula ngunit hindi pa tapos (baka ipost ko ito sa susunod na blog ko). Wala pang 40 minuto ang nakakaraan ay dinapuan na rin ako ng antok. Hindi ko rin pala maiiwasan dahil ang hirap labanan. Halos 40 minuto rin ata ang aking mahimbing na pagkakahimlay sa aking bag bilang unan, wala pa rin kami sa susunod na lugar.

Ano ‘yun? Trapik na naman!!”

Nakakasira talaga ng magandang gising ang trapik, sabayan mo pa ng mainit na panahon. Malapit na pala kami. Ano naman kaya ang naghihintay sa amin dito? Sana naman hindi katulad ng una naming pinuntahan.

Isang munting kompanya ba ito o training center? Pagpasok  namin sa loob, ang daming gamit; salasalabat na electrical wires, mga circuits at iba pa. Isa pa itong corporasyon ng mga hi-tech devices. Nakalibot naman ako sa loob, at ang mga gamit palang ito ay tamang-tama sa aking kurso. Ang dami kong natutunan. Lalo na ang bagay na tungkol sa PLC, na siyang nagkokontrol sa ibang gamit na nakakonekta sa kanya. Ipinakita rin sa amin ang isang computer automated ( controller manipulated) na kurtina kung saan ay nagbubukas kapag pinindot ang isang button sa controller. Ito pala ang nagagawa ng mga bagay na ito. Sana magamit ko sila balang araw. Pero ayos ang pinuntahan naming ito kumpara sa una dahil mas nakita ko nang malapitan kung paano ginagamit ang mga bagay na iyon.

Saan na naman kaya ang next?”

Kakain na naman kami at mukhang hindi pa ito ang tamang oras para kumain. Akala ko ibang resto naman ang aming pupuntahan ngunit iyon pala ay yung kanina lang. Yung excitement sa pagkain kanina ay hindi ko na nadama ngayon. Marahil ay busog pa ako kaya kaunti lang ang kinuha kong pagkain ngayon.

“5:30 p.m. na at lowbat pa ang cellphone ko.”

Huling naming tatahakin ang landas patungong Market-Market, isang gusaling maihahalintulad sa SM at Robinson.Sandaling kalabit ng hangin mula sa aircon ang sumampal sa mukha ko na naging dahilan ng aking pagbalik sa naudlot na tulog kaninang hapon. Mas mahimbing ang tulog na ito kumpara kanina dahil malamig ang simoy ng hangin sa labas.

Nagising ako pagkaraang matulog ng isang oras at muli, trapik na naman pala. Halos 6:45 p.m na nang kami ay dumating. Medyo gabi na kami siguro makakauwi. Alas siyete na.

Bumaba sa bus para umihi. Naglibot libot ng kaunti at bumalik ulit pagkaraan ng isang oras. Ang bilis ng isang oras dahil hindi ko namalayan na ang bus na lang pala namin ang naiwan dito. Nakauwi na kasi ang ibang bus at lagpas 8 p.m. na nang nilisan namin ang lugar.

Ang tagal din ng biyahe. Mag aalas diyes na kasi nang kami ay nakababa sa FAITH. Uuwi na ako.

Habang naglalakad papauwi kasama ang isang kaklase, nagkatawanan pa kami nang saglit dahil may pasok pa nga pala bukas. Napagkasunduan din namin na mas masaya sa bus kaysa sa mga pinuntahan namin.

Naghikab ako at saglit na napatigil.

Fieldtrip nga ba ito o bus joy ride?

‘Yamo na nga hahaha. Ang mahalaga ay nakasama ko ang aking mga kakurso kahit sa isang araw lang. Isang kakaibang araw na puno ng saya, mga karanasan at pagtatawanang babaunin ko sa aming muling pagbalik sa paaralan kinabuksan.