Walang Magagawa Ang Pagtanggi (Denying Can’t Do Anything)

 

grae.jpg
“Hold On” by GRAFFMATT

Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Mga mata niya’y tila naliligaw ng landas.

Tinatanong ko siya sa isang bagay na gusto kong malaman. Umuurong na nga ang kanyang dila sa bawat bitaw niya ng salita. Nagtatanong lang naman ako ngunit bakit parang may tinatago siya?

“Tumingin ka sa aking mga mata at sagutin ang aking katanungan. Totoo ba na …..?”

Sumagot siya at pinaanod sa hangin ang lahat ng salitang kanyang itinapon sa aking mukha. Ngunit parang may bagay na nagtatago sa anino ng bawat salita. Hindi ko mawari kung anino nga ba ito o liwanag. Makikinig na lang ako sa kanya. Malamig ang kanyang mga sinabi dahil tagusan ang mga ito sa aking buto. Nang sinimulan mong ibuka ang iyong bibig, nag-aapoy ang aking mga mata na makita ang susi upang buksan ang saradong lagusan sa bawat letrang iyong nililikha. Alam niya siguro yung pakiramdam na alam ko na ang mga sinasabi niya bago pa niya ito sabihin. Sa bawat kumpas ng kanyang dila at sa bawat pitik ng kanyang mga mata, may palatandaan na ko na nangyari na ito. De javu ba kung tawagin.

Ang ngiting nagnanakaw ng aking pagmamasid at ang ordinaryong kilos niyang hindi mapakali. Parang alam ko na ito. Tinanong ko siya nang paulit-ulit. Hindi ko iniinda kung mapaos ako sa katatanong dahil ang mahalaga ay mapaamin ko siya.Hinawakan ko pa ang balikat niya at tinanong ko ulit siya. Ang tanging sagot lang niya ay hindi.

Sinabihan ko siyang sinungaling.Napakasinungaling niya kung sasabihin niyang ayos lang siya samantalang nakita ko siyang umiiyak sa isang sulok noong isang linggo. “Bakit ka ganyan?”, tanong ko sa kanya. Tumungo lang siya at hindi umimik. Alam niya rin sigurong nagsisinungaling ako. Nagsinungaling akong wala akong pake sa kanya ngunit sa katunayan ay nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak.Hindi ko siya matiis.Sa ilalim ng buwan, lumapit siya sa akin. Sumabay ang paglamig ng hangin sa paglamig ko sa kanya. Sa sandaling minutong lumipas, uminit ang paligid sa yakap niya sa akin.

Sabay sabi niyang ” Walang nagawa ang pagtanggi ko na hindi na kita mahal.Lalabas at lalabas din ang katotohanan dahil alam na natin ang isa’t -isa.”

Binalot ko sa kanya ang aking kanang braso habang nakahawak naman sa kanyang ulo ang kaliwa at pinagtapat ko sa kanya na ” Kahit anong pagtanggi ang gawin ko, hindi ko rin kayang iwan ka. Mas masasaktan lang pala ako kung lolokohin ko ang sarili ko.”

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s