House Baratheon

Posted: January 16, 2015 in MY EXPERIENCE
Tags: , , , ,

“Ours is the fury.”

bara

Official Symbol of House Baratheon in Game of Thrones

Kung fan ka ng Game of Thrones o kaya ay napanuod mo man lang ang kaunting bahagi nito kung saan inilarawan ang Baratheons, masasabi mong malakas silang grupo.

Bakit ganoon ang kanilang motto? Marahil na rin ay dahil sa kanilang ugali na madaling magalit.

Bakit usa ang simbolo ng kanilang grupo? Siguro ang usa ay maamong hayop, ngunit kapag ito ay naalarma, lalaban ito hanggang sa huli gamit ang kanyang sungay.

Ganoon din ang aming grupo. Kahit na dalawa lang ang napanalunan namin,(3rd place in Battle of Words at Best in Talent sa Mr and Ms. EngEng) lumaban at pinatunayan pa rin namin hanggang sa huli na palaban at walang inuurungan ang aming grupo. Kahit pa sa katirikan ng araw nagtatatakbo, hindi kami sumuko sa mga pagsubok. Tulad ng isang usa, sinuwag namin ang mga balakid sa aming dinaanan. Hindi nagpatinag sa anumang humarang sa aming daan. Tinawid ang mga lupang imposibleng tawirin, habang kapit-bisig naming tinatahak ang mga mapuputik na kalsada.Bukod pa doon, masaya rin sa grupo namin. Sa lahat ng oras, makikita talaga na lahat ay tumutulong. May kontribusyon ang bawat isa. Kahit na nagtatampisaw na sa pawis ay hindi pa rin iniinda ang init na tumatagaktak.

Sa oras ng kainan, sama sama kaming kumakain na para bang pamilyang matibay.

Ang lider naman namin ang nagsisilbing inahing usa sa aming lahat at kami naman ang mga “deerlings” na kanyang ginagabayan. Lahat nagkakasundo.Lahat nagkakaisa. Kapag may problema ang isa, iisipan kaagad ng solusyon. Lahat nagtutulungan. Ang sarap sa pakiramdam kapag ang mga kasama mo ay ganito.

Hanggang sa huling araw,binaon naming ang ngiting pinaghirapan ng bawat isa sa amin. Ang mga alalaang isinaboy sa hangin ang nagsilbing palatandaan na may mga tao kang makakasalamuha sa buhay na handang tumulong sa lahat ng oras.

Kahit sa maikling panahon ko lang sila nakasama, naramdaman ko ang bayanihan na akala ko ay nabuwag na.

At dahil sa kanila, mas lalong lumalim ang pakikipag-ugnayan ko sa iba at mas lalong nawala ang hiyang nagkukubli sa aking sarili.

Salamat sa lahat Baratheon! Next year ulit!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s