Pokemon

eeeeeeee “I wanna be the very best”-Ash Ketchum.

Anim na taon pa lang ako noong pumasok sa utak ko ang salitang “Pokemon”. Sa mga panahong iyon, wala akong ginagawa kung hindi maglaro lang maghapon, gamit ang Gameboy Light na regalo ng aking mga magulang noong limang taon pa lang ako. Ako na ata ang pinakamasayang bata sa mundo nang makatanggap ng ganoong surpresa.

Hindi mapapantayan ang saya ko. Kahit ang pintor ay hindi maipipinta ang mga linyang nagsasayaw sa aking mukha.Parang gusto ko na nandiyan lang lagi ang aking laruan.Sa katunayan, ang pinakauna kong nilaro sa aking gameboy ay “Super Mario”. Tuwang-tuwa ako sa tuwing tumatalon ang karakter ko na si Mario habang inuuntog ang mga bricks o bato. Kapag nakakakuha ng kabuteng luntian o kahel, lumulukso ang mata ko sa galak.

“Yes, lalaki na naman ako.”

“Yes, 1 up.Extra life na naman ito.”

Lumipas ang mga araw at nagsawa rin ako. Ilang beses ko na rin kasi natapos ang larong ito. Naghahanap ang aking mata ng bagong biktima.Isang obrang makakapagpabuhay ulit sa sawa kong pag-iisip. Yun bang bago sa aking paningin.

Hanggang nung isang araw, pumunta ang pinsan ko sa aming bahay. Kuya ang tawag ko sa kanya dahil mas matanda siya sa akin ng limang taon. Bakit kaya siya pumunta? May laro ba siyang bago? Nakakasawa na kasi ang Super Mario. Ayoko na rin sa Donkey Kong.

“Joen, papahiram ko muna sa iyo ito. Maganda yan, Pokemon English Version.”

Napuno ng kuryosidad ang aking utak. Ang daming ulap ng pagkagulat ang sumalubong sa akin. I was like “Im floating on cloud nine.” Ang amoy ng plastik. Ang magaspang na likuran ng bala. Ang gasgas na harapan. Ang tuklap na tatak na may nakalagay na “Pokemon English Version”. Sino itong pagong na bughaw? Naguguluhan na ako kung kamukha lang ba ito ng Digimon (mas una ko kasing pinanuod ang Digimon kaysa sa Pokemon) o bago lang talaga ito?

“Basta ingatan mo ha. Hiniram ko lang rin yan.”

Umalis na siya nang hindi man lang ako tinuturuan kung paano laruin ito. Nangagapa pa ako sa dilim. Nangangalap ng impormasyon sa akin isip kung paano ito laruin.Dahil wala na si kuya Marlon, napilitan akong tuklasin ito mag-isa. Ano kaya ang mayroon dito? Binuksan ko na ang gameboy. Kahit black and white lang ang grapiko nito, hindi pa rin maiiwaksi ang pagkasabik ko na laruin ito, minu-minuto,segu-segundo.

New game.

bulb
Ito yung starter ko na si Bulbasaur. Paano ko nga pala nalamang green ang kulay niya, hindi ba black and white pa yung version na yun? Haha. Nalaman ko iyon dahil may munting aklat ang pinsan ko na tungkol sa mga Pokemon.

Wow, ito pala iyon! Nagsimula na nga ang paglalakbay ko sa loob ng isang laro. May tau-tauhan doon, gaya ni Professor Oak ngunit mas pinaganda ang laro dahil may karibal na nagngangalang Gary Oak. Pumasok na ang karakter ko sa isang bahay kung saan sa lamesa ng bahay na iyon ay may nakalatag na tatlong bola na sikat sa tawag na “pokeballs”. Sa loob nun, may tatlong “pokemon” na pamimilian. Ang natatandaan ko, ang pinili ko sa tatlo ay si Bulbasaur, isang “pokemon” na may katangian ng isang halaman.Naakit ako sa kanya dahil paborito kong kulay ang luntian

Ang astig ng laro para sa batang katulad ko. Parang ako mismo ang nasa loob ng laro. Lumalaban sa iba’t ibang tao na kung tawagin ay “trainers” at ang malalakas naman na tinatawag na “gym leaders”. Ngunit may mas malalakas pa sa mga nabanggit na bantog sa tawag na “elite fours and league champion”, kung saan ang kalaban kong si Gary ang pinakamalakas sa lahat.

Buong gabi.Buong araw akong naglalaro, kasama ang pinsan ko. Kahit nagkakarga ako ng baterya para sa aking gameboy ay sige pa rin kami sa paglalaro. Simple ngunit may istorya ang laro. Mahabang pakikibaka sa gitna ng mga delubyo ng pagkatalo,pagkapanalo at pakikipagkaibigan.

poek
Pokemon graphics through the years. Wala dito yung black and white version lol.

Sa hindi inaasahang pagkakataon,mawawala na pala sa akin ang balang iyon. Kukuhanin na pala siya ng totoong may-ari sa kanya. Sabagay, hiram ko lang naman iyon sa pinsan ko. Hindi iyon sa akin, kaya ano ang karapatang kong angkinin iyon. Pero dahil bata pa ako noon, itinatak ko na sa isip ko na pagmamay-ari ko na iyon. Masakit iyon sa puso ng isang anim na taon na bata, dahil parang inagaw mo sa kanya ang laruang itinuturing niyang ginto.Iyak ako nang iyak sa kwarto. Ang aking ulo ay hinihigop ng lupang nilamig sa pag-asang magkakaroon pa ako ng ganoong paglilibangan. Tila naging bulak ang tekstura ng aking kinauupuan dahil sa walang katapusang daloy ng tubig sa aking mata. Mababaw na talon ang namuo sa gilid ng aking mga sisidlan. Isang impukan ng kalungkutan na naranasan ko sa isang araw

Napamahal na ata siya sa akin. Napamahal na ako nang husto sa laruang iyon. Hindi ako makatulog sa gabi. Pinipilit ko ang ama ko na ibili ako ng ganoong kagandang likha.

asasfg
Ito ang X and Y version. Isa sa pinakabagong version ng pokemon. Ganda na ng graphics!

Ang kahapon ay kay sarap daanan. Ito ako ngayon pagkalipas ng ilang taon. Naglalaro pa rin ako ng Pokemon. Sa loob ng sampung taon, patuloy pa rin akong naaaliw. Ibang bersyon naman. Ibang anghang ang bawat isa. Ibang sarap ang nalalasahan sa tuwing makakahawak ulit ng “console” na mapaglalaruan nito. Sumikat na ang araw ngunit hindi ko pa rin mabitawan ang lubid na nakapalupot sa akin. Mga hibla ng mura kong karanasan na patuloy na hinahabi ang mga panahong hindi na muli pang maaaring ulitin. Marami akong naalala. Maraming aral na natutunan sa paglalaro ng pambatang laro.

Oo isang hamak na laro lang ang Pokemon ngunit dahil dito, lalong tumibay ang pakikisama ko sa iba at kumpiyansa sa sarili.Pinayabong nito ang dahong tumatakip sa akin. Hinubog nito ang unang balangkas ng aking buhay sapagkat dahil dito natutunan kong hindi sumuko sa lahat ng bagay, mapamahirap man o madali ito. Natutunan ko ring hindi isuko ang bagay na mayroon ako gaya ng pamilya ko na mahalaga sa akin.

“Gotta catch ’em all”. Isang kataga na kapag sinalin ko sa aking pagkakaintindi ay “Kaya mong gawin ang lahat upang makuha ang minimithi mo sa buhay, sa mga oras na ang salitang imposible ay nanatiling isang mitong mahirap basahin.”

spit
That moment when you’re bragging upon finishing a game.

Sige maglalaro na ako.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s