nahn

Takot ka?

Takot ka? Uulitin ko. Bakit ka natatakot? May nakaraan ka bang dumurog ng puso mo? Halika dito, sasamahan kita.Nababasa ko ang mukha mo ngayon. Umaapaw ang kalungkutan sa iyong noo.Bakas pa rin ang kirot sa iyong pisngi. Ang mata mong mapupungay ay lumubog na sa kanilang kinalalagyan.Malimit kang ngumiti at ako ang iyong saksi. Gaano ba kalakas ang bagyo na tumama sa iyo, na inabandona nito ang puso mong tigang.? Matalino ka ngunit alam kong hindi iyon sapat upang isantabi kaagad ang iyong mapait na sinapit. Masipag ka ngunit hindi pa iyon sapat na sipagin ka ring makalimot.

Kailangan mo ng mahabang oras? Bibigyan kita.Kailangan mo ng masasandalan? Ito ang balikat ko na magiging sandigan mo.Huwag kang mahiyang lumapit.Tutulungan kita.

Nababasa mo ito? Huwag mong tatanggalin ang iyong antipara sapagkat medyo malabo ang aking mga sinasabi.Ngunit sana,hawakan mo ang aking boses nang lubos mong maintindihan ang nais kong iparating.Pigain mo ang mga salita na aking binabato. Masakit pa rin sa iyo ang nangyari. Alam ko iyon.Alam ng nagsusumamo mong damdamin ang mahirap na sitwasyong ito.Nakakulong ka ngayon sa predikament na mahirap takasan. Alipin ka ng nakaraan. Punasan mo ang luha mo. Ayaw ko nang nakikita kang naghihikahos sa pighati.Kakalasin ko ang mga kadenang yumayakap sa iyo at papalitan natin ng makukulay na ilustrasyon.

Ngayon, tumayo ka na at ituro mo sa akin ang iyong mga kaibigan. Sila ba?

Hindi mo naituro sa akin ang iyong mga kasama.Bumulong ka sakin,”Sila”

Ituro mo sa akin ang iyong matalik na kaibigan. Siya ba?

Nanginginig ka.Hindi ko maipaliwanag. Ngunit bakit ka bumitaw? Bakit siya tumalikod? Ikinakahiya ka niya? Wala kang magawa? Halatang halata ang iyong nangangatal na tinig.Nakakakilabot ang kaganapang dinaanan ng kamay ng orasan.

Umuukit pa rin ang hapdi. Gusto mo nang isigaw ang iyong damdamin.May pumipigil sa iyo. May kamay na nakahawak nang mahigpit.Ito’y napakahigpit na humahantong sa pagkatiklop ng dating masayahin mong mukha. Makakabangon ka pa.Patunayan mong kaya mong mabuhay. Mali ang interpretasyon ko dito dahil hindi ko alam ang tumatakbo sa isip mo ngayon.Ikaw lang ang sadyang pag-asa ng iyong nararanasan. Nasa iyo pa rin ang pasya kung tutuldukan mo na ito. Nasa sa iyo kung ipagpapatuloy mo pa ito. Tandaan mo lang na nandito lang ako kahit anong mangyari. Aalalayan kita. Magtiwala ka.

Nais ko lang na ikaw ay maging matapang at malakas. Huwag kang magbabago kung sino man ikaw ngayon. Mahal ka ng maraming tao. Mahal ka ng pamilya mo. Sadyang may mga tao lang na makakasalamuha mo sa iyong buhay, pansamantala.

Tapat ka sa kanila. Matitinag ka nila ngunit hindi ang puso mong nababalutan ng bakal. Lilinisin natin ang kalawang na sagabal. Gagamutin ko ang sugat mo. Lulunurin kita ng payo na hindi mo makakalimutan. Isang kalabit lang nandiyan na ako.Mas mabilis pa sa alas dos ang aking tugon.Sana maliwanagan ka na sa mga aking sinambit.At kung handa ka na…

Kalabitin mo na lang ang baril sa iyong tabi at kitilin mo ang mga bagay na nagbaon sa iyo sa posisyong gusto mo nang sumuko,

Mahirap gawin ngunit ito lang ang susing magbubukas ng bagong bintana…

Para sa iyo at para sa akin…

Dahil pinagdaanan ko na rin ang sitwasyong yaon…

At sinumpa ko na wala nang madadamay pang iba…

Na malapit sa akin.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s