Cram Lord

Posted: January 6, 2015 in MY EXPERIENCE, SCHOOL
Tags: , ,

“Umaga na pala. Patay late na naman ako!”

Paano ba kasi alas siyete na ako nagising! Hindi bale, sanay naman ako sa ganoong gising dahil malapit lang naman ang bahay namin sa paaralan. Kailangan ko lang ng mabilis na kilos. Yung kilos ba na kasya sa loob nga 30 minuto. Kain,ligo,sipilyo,bihis tapos karipas ng takbo papuntang labasan upang buksan ang gate. Ang dali naman pala ng buhay ko araw-araw. Kahit tanghaliin ng gising, ayos lang. Kahit medyo huli sa gising ayos lang din. Yung mga gising na 7:15 ng umaga ay simple lang sa akin. Kapag nakasanayan na kasi ang isang bagay, mas madali na ito sa mga susunod na gawain. Parang laruan na inaasemble. Sa una mahirap baklasin at ikabit ngunit makakasanayin ding buuin kapag tumagal tagal na.

Yung mga sinabi ko sa itaas, wala naman talagang kinalaman yan sa sasabihin ko.

Ngunit may natutunan ako.

Bakit kasi ang daming araw na nagdaan, ay hindi ko man lang naisipang gawin ang proyekto sa ADCOPRO? Dumaan na parang kidlat ang Pasko na sa sobrang bilis ay tapos na pala. Bagong taon? Parang isang pikit lang ng mata ko ay lumipas na rin. Ano ba ang ginawa ko noong bakasyon?

Kumain ✔

Natulog ✔

Tumambay✔

Kompyuter✔

Paikot ikot lang. Isang proseso na walang kinalaman sa siyensya kaso hindi makabuluhan. Pero para sa akin, ito ang mga dapat gawin pag bakasyon. Kaya nga bakasyon ang tawag sa bakasyon ay dahil ito na lang ang pag-asa ng mga estudyante magpahinga.

Bakasyon nag-aaral ka pa? Bakasyon gumagawa ka pa ng proyekto?

Yan yung mga kantiyaw sa akin ng mga tropa ko.

“KJ mo pre”

“Tambay na lang tayo.”

Ngunit naisip ko rin na may mga maidudulot namang maganda kapag ginawa ko ang mga iyon. Halimbawa ang pagtulog ay maganda sa kalusugan dahil inaayos nito ang mga ‘body tissues’ at tumutulong din ito sa pagpapaginhawa ng pakiramdam sa pamamagitan ng pagtatanggal ng sakit ng katawan sa maghapong gawain.Isa pa ang pagkain ng masusustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas. Ngunit masama ba ang pagkain nang sobra kapag piyesta o may okasyon? Sinusulit ko lang kasi minsan lang dumami ang pagkain ng ganito.Pagtambay? Para sa akin masaya ito. Hindi naman ako tumatambay ng walang saysay dahil para sa akin, mas lalong tumitibay ang samahan naming magkakaibigan kapag tumatambay kami nang sama- sama. Sikolohiya? Naalala na naman kita. ‘Sociological intelligence’ kung tawagin ang bagay na iyon na kaugnay ng pagkakaibigan. Kompyuter? Wala lang. Masaya lang mag-ubos ng oras sa harap ng screen. Basta ba ay kontrolado ko ang oras ko nang tama.

Nagawa ko ito lahat pero hindi ang aming proyekto.

“Hay, Miyerkules na pasahan nun ngunit wala pa ako sa kalahati.”

Gabi ng Martes. Napakalamig. Ang sarap humilata sa kutson na malambot habang nakakumot.

Alas siyete na wala pa rin akong nasisimulan. Ang sipag ko pala. Kaya ko sigurong akyatin ang limang templo sa isang gabi lang.

Alas otso. Nagdadownload lang ako ng pelikula. Naghihikab na ako.

Alas nwebe. Naalimpungatan ata ako nang kaunti. Bumangon ako ngunit bumalik ulit sa kutson.

Alas diyes. Tulog na ko. Napakahimbing ng aking pagpapahinga nang biglang naalala ko na bukas na pala ang pasahan. Inaantok pa ako ngunit bukas pa ang laptop habang ang ilaw nito ay tumatagos sa mukha ko. Binuksan ko ang ilaw at kinuha ang Tanduay Ice sa ref. Uminom lang ako upang magising ako.Akala ko madali lang. Akala ko kaya kong tapusin sa loob ng isang oras.

Akala ko lang pala.

Alas dose na hindi pa ako tapos. Ni hindi pa rin nangangalahati. Kumislap ulit sa memorya ko yung mga oras noong bakasyon. Na sana ginawa ko na yun. Na sana tapos na ko ngayon.

Ala una na ng umaga. Mas  maingay pa yung bentilador sa akin. Ang tahimik kong gumawa nung mga oras na iyon.

Alas dos. Malapit na kaunti na lang.

Alas tres. Sa wakas matatapos na. Kaunting-kaunti na lang ito. Kaso ang sakit na ng mga mata ko. Pinipilit ko lang kasi silang imulat dahil alam ko na kung hindi ko sila gagamitin, aakitin na naman ako ng kutson na humimlay sa piling niya, “Ayoko na”, sabi ko sa sarili ko. Kailangan ko na itong tapusin. Tatapusin ko na ngayon.

Time checked, 3;30 am.

Tapos na! Makakatulog na rin sa wakas. Kung sana tinapos ko na bago ang Bagong Taon, hindi sana ako nagkukumahog nang ganito. Doon ko naisip na sayang ang oras. Ang oras na ginugol ko sana sa paggagawa ng proyekto ay napunta sa hindi makabuluhan. Pero tapos na. Wala na akong magagawa.

Ang kailangan ko na lang gawin sa susunod ay isaalang-alang ang tamang paggamit ng oras upang sa gayon ay hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

Ngayon alas onse na ng Miyerkules. Kailangan ko nang matulog. Ayoko na magpuyat.

“Time is indeed gold to those people like me, who is a cram lord.”

Araw ng pagkakagawa : Enero 6, 2015, Martes.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s